US mass shooting ulit: 9 todas

US mass shooting ulit: 9 todas

Walang nakikitang motibo ang mga awtoridad sa ginawang pagmamaril ng isang gun man sa isang distrito sa Dayton, ilang oras lang matapos ang nanganap na ‘mass shooting’ sa El Paso, Texas, nitong Linggo nang umaga.

Sa report, napatay ang gun man ng mga rumespondeng awtoridad, matapos na walang habas na namaril kung saan siyam ang napatay habang 16 ang sugatan, ilang oras matapos maganap ang isa pang mass shooting na pumatay naman sa nasa 20 katao sa El Paso, Texas.

Ayon kay Matt Carper, Assistant Chief ng Dayton Police, napatay ang gun man ng mga nagrespon-deng pulis. Wala namang nasabing nagaganap na pagbabanta sa publiko.

Dagdag ni Carper, ang shooter ay may hawak na rifle at ilang magazine.

Sinabi naman ni Miami Valley Hospital spokeswoman Terrea Little, hindi pa niya makumpirma ang kondisyon ng mga sugatan na dinala sa ospital
Nangyari ang pamamaril sa Oregon District, isang historic neighborhood malapit sa downtown Dayton kung saan matatagpuan ang mga entertainment venues, kabilang ang mga bar, restaurant, at theaters.

Ang mass shooting ay pangalawang gumulantang sa US sa loob lamang ng ilang oras.

Ilang oras bago ito, isang gunman ang naunang walang habas na namaril sa El Paso Texas, sa isang shopping area na may 3,000 katao kasabay ng back-to-school season Saturday, at nagresulta sa pagkakasawi ng 20 katao at 24 apat ang malubhang nasugatan. (Dolly Cabreza)