Sinopla ng Office of Special Prosecutor (OSP) ng Office of the Ombudsman ang inihaing motion to travel ni dating Philippine National Police (PNP) Director General Alan Purisima na makapunta sa Amerika sa Setyembre.
Sa tatlong pahinang “opposition” na inihain ng OSP, iginiit ng mga ito sa Sandiganbayan Sixth Division na huwag payagang makaalis ng bansa si Purisima na nahaharap sa kasong katiwalian kaugnay ng maanomalyang kontrata na pinasok nito sa Werfast Courier Service para sa delivery ng lisensya ng baril noong 2011.
Sa mosyon ni Purisima, hiniling nito na makaalis sa Setyembre 5 para mabisita ang kanyang anak na nag-aaral sa Amerika, partikular na sa California na magtatagal hanggang Setyembre 22.
“From the tenor and import of accused motion, no urgent o compelling reason can be discerned to justify the grant of judicial imprimatur thereto. Accused has not sufficiently shown that there is absolute necessity for him to travel,” ayon pa sa OSP.
tama lang yan/..tatakas kapa ha..
palusot ka pa purisima ha? parang di alam ng mga netizen at ng husgado ang plano mo dito sa california na ayusin ang mga perang dinambong mo mula sa kaban ng bayan..he he he he..dapat isa ka sa mga bibitayin kasama mo ang pamilya binay, unggoy estrada, bobong revilla, enrile, napoles at lahat lahat na mga suwapang at mga ganid.