RIO DE JANEIRO (AP) — Matapos ipagtulakan ang mga unang nakatapat, nakatagpo ang US men’s basketball team ng isang koponan na pumalag.

“This is the real world now and that’s good for us,” diin ni coach Mike Krzyzewski.

Sa unang totoong pagsubok, rumesponde sina Carmelo Anthony at Kyrie Irving.

Umiskor si Anthony ng 31, nakipagsabwatan kay Irving sa lahat ng baskets ng Americans sa fourth quarter tungo sa 98-88 panalo sa Australia Miyerkules ng gabi.

Kumpara sa blowout wins sa unang dalawang nakatapat na tinalo sa combined 101 points, manipis na ang panalo ng Americans sa Aussies.

Nagdagdag si Irving  ipinanganak sa Australia  ng 19 points kabilang ang 3-pointer 1:35 sa laro matapos dumikit sa apat ang Australians.

Gumamit ang Australians ng malalaking katawan sa loob at de-kalibreng point guards para sabayan ang malalim na bench ng Americans, tumalo sa kanila sa quarterfinals ng dalawang nakaraang Olympics.

Tinapos ni Kevin Durant ang scoring sa ibinaon na two free throws. Siya lang ang tanging player na umiskor sa period maliban kina Anthony at Irving.

Nakapag-relax lang ang Americans nang iguhit ang final five points sa last 27 seconds mula sa free throws, galing kay Irving ang first three.

Tumapos si Andrew Bogut ng 15 points sa Australians, wala pang Olympic medal sa basketball pero apat na players ang may NBA rings.

Nilagpasan ni Anthony, unang US male na naglaro sa apat na Olympics, si LeBron James bilang US career leader sa Olympic scoring.

Minadali niya pa, sumiklab agad sa umpisa para habulin ang 11-point advantage ni James papasok sa laro. Nakaipon na si Anthony ng 293 sa 26 career games.