Usapang OFW: May dayaan ba sa OAV?

May isang video nga­yon na trending sa Internet. Sa video ay isang OFW sa Hong Kong ang ininterbyu matapos bumoto sa ilalim ng Overseas Absentee Vo­ting (OAV).

Anang babaeng OFW ay si Sen. Bongbong Marcos ang ibinoto niya at ng kanyang kaibigan bilang Bise Presidente pero ang lumabas daw sa resibo ay si Sen. Gringo Honasan.

Nang magreklamo raw sila sa mga election officers na nagma-manage ng vote-counting machine ay ipinagkibit-balikat lang ang isyu.

No repeat vote

Kesyo hindi na raw puwede ulitin ang boto nila kahit iba ang luma­bas sa resibo. If true, this is a very serious complaint which the Comelec should investigate.

Kung totoo (and that’s a big if), it doesn’t follow na kung kanino napunt­a ang maling boto (in this case ay kay Honasan daw) ay siya na ang ultimate beneficiary.

Since mababa ang ranking ni Senator Honasan, ang ultimate beneficiary ay iyong mga dikit kay Senator Marcos sa surveys.
Ominous signs?

Again, lilinawin natin na hindi importante ang personalities dito — meaning kung sino umano ang kinunan ng boto at kung kanino umano ibinigay ang boto.

Ang isyu rito ay this may be a sign na dapat talagang bantaya­n ng sambayanan ang conduct ng election, na nangyayari na via OAV mula noong April 9 hanggang May 9, at sa mismong halalan sa Pili­pinas sa May 9.

Kung totoong may ganitong klaseng dayaan,­ hindi magiging katanggap-tanggap ang panalo ng mga kandidato na alam naman natin na silang may makinarya para mandaya.

Narito ang link ng video na dapat imbes­tigahan ng Comelec­: https://www.facebook.com/favradio/videos/1180873441925115/

Come Follow Me on Twitter @beeslist. And Chime In with your opinions or comments. Kung may pinagsisintir, email lang sa usapang_ofw@yahoo.com or tumawag sa phone number 551-5163.