Dear Sir:

Baka pumalag na naman ang CHR niyan dahil sa ulo binaril ng mga awtoridad ang dalawang naiwang ASG sa Bohol. Sabihin na naman nila over-killed. Imbes na sumuko ang dalawang teroristang ito, nag-hostage pa ng bata.

Kaya ayun binanatan sila ng todo-todo. Mabuti rin naman sa kanila iyon dahil grabe rin ang kanilang pamumugot sa kanilang nabibiktima na hindi makabayad ang pamilya sa kanilang ransom money.

Sa wakas natapos na rin ang pangamba ng mga residente sa Bohol.

Tapos na rin ang kanilang agam-agam na sila ay madadamay. Marahil maluwag na rin sa mga turista ang bumisita sa Bohol. Wala nang nakaambang panganib.

Salamat sa ating mga awtoridad na walang tigil sa pagtugis sa mga teroristang ito.

Na pati ang turismo ng ating bansa ay nadadamay sa kanilang kapangahasan sa paglusob sa Bohol.

AMY A. ATENCIA
Quezon City

***

Dear Sir:

Ayon kay Dr. Rohan Gunaratna, Head ng International Center for Political Violence and Terrorism Research na ang nakaraang pagsabog ng bomba sa Quiapo at sa iba pang pagsabog sa Mindanao ay maaring isang pamamaraan ng mga terorista upang masubok kung hanggang saan ang intelligence network ng ating kapulisan at kasundaluhan. Kung handa ba ang ating mga awtoridad sa ganoong senaryo.

Nabasa naman niya ito sa dyaryo ng Amaq, isang ISIS official media. Sinabi pa niya na maaring ang ginawang pagsabog ay bilang paghigante ng mga terorista sa matin­ding operasyon ng militar laban sa ASG sa Basilan at Sulu, ang pagkamatay at pagkatalo ng Maute Group na naghasik ng karahasan sa Bohol.

Nabasa rin niya sa dyaryong Amaq ay isa itong test run for the local ISIS-allied groups for wider attacks during the incoming Ramadan.

Ang kaganapang ito ay na sinabi ni Dr. Gunaratna sa kanyang interview sa ANC noong nakaraang Martes, Mayo 9, 2017.

Kaya ibayong intelligence network at pagpaplano ang isinasagawa ngayon ng ating mga law enforcers to counter whatever ASG at Maute Group members are planning to carry out to exact revenge against the government.

Tayo naman mga sibil­yan para makatulong tayo sa seguridad ng ating komunidad ay ibayo ring pakikipag-ugnayan sa ating mga awtoridad kung mayroon tayong kahina-hinalang mga kalakihan na dayo sa ating lugar. Dapat ipag-alam na natin ito sa kanila.

Arthur A. Galura
Parkway Village, Quezon City