Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang acting secretary ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang isang opisyal sa tanggapan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.
Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagtalaga kay Finance Undersecretary Karl Chua bilang officer-in-charge ng NEDA magtapos ang pagbibitiw ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.
Sa kanyang pahayag na isinapubliko nitong Biyernes, sinabi ni Pernia na may mga personal na rason sa kanyang pagbibitiw sa gabinete subalit binanggit din nitong dahilan ang ilang pagkakaiba nila sa “development philosophy” ng ilan sa kanyang mga kapwa kalihim.(Prince Golez)