Usec umeepal sa senador

May kakaibang ugali itong isang undersecretary ng isang ahensiya ng gobyerno na wala nang ginawa kundi siraan ang mga staff ng senador sa kanyang kaibigang mambabatas.

Sa nakalap na impormasyon ng Tonite, palibhasa’y interesado ang undersecretary sa ­puwesto ng chief of staff ng senador, kayat puro sumbong ng paninira ang ginagawa nito.

Partikular na ­pinuna umano ng kalihim ang media team ng mambabatas na ito na aniya’y ­hindi epektibo, na kesyo ­hindi umano ­visible ang ­mambabatas sa tri-media. Kulang daw sa exposure ang ­senador sa media kaya dapat ­palitan na ang mga ito.

Kapag may nakitang mga pangit na puna sa mga press release o istor­yang lumabas sa media, agad ito magsusumbong sa kanyang kaibigan na mambabatas na kesyo kailangang iimprove pa ang media team dahil nakukulangan ito sa kalidad ng kanilang trabaho.

Mismong sa viber group pa ng lawmaker na ito magme-message ang undersecretary na parang bang intensiyon na pahiyain ang mga staff sa kanilang amo.

Clue: Ang Usec na gustong sulutin ang ­puwesto ng COS ng isang senador ay sobrang ­su­mipsip sa ­kasalukuyang administrayon kaya ­nabigyan ng puwesto sa gobyerno. May letrang M sa kanyang pangalan as “mang-aagaw.”