Naghatid na ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang bagyong Usman, bagama’t ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ay hindi ito gaanong gumagalaw.

Sa bulletin ng Pagasa­ huling namataan ang bagyo 250 kilometer east ng Guiuan, Eastern Samar, taglay ang lakas ng hangin na 55kph, bugso na 65kph at kumikilos lamang sa bilis na 10kph.

Nasa ilalim ng Signal No. 1 ang Northern Palawan, Calamian group of Islands, Camarines Norte, Southern Quezon, Marinduque, Romblon, Catanduanes.

Gayundin ang Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, Ticao, Burias Islands, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Eastern at Northern Samar.

Kabilang din ang Leyte, Northern Cebu, Camotes Islands, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Antique, Northern Negros Occidental at Dinagat Island.
Disyembre 30 nang gabi o umaga ng Disyembre 31 lalabas ng PAR ang bagyo. (Tina Mendoza)