Since tag-ulan na ngayon ay pag-usapan naman natin ang mga nauusong mga sakit ngayong panahong ito, sa kagaya natin na hindi pwedeng magkasalit ay dapat na pangalagaan at palakasin natin ang ating mga kalusugan at pangangatawan upang maging handa ngayong tag-ulan.
Narito ang ilan sa mga sakit na karaniwang nagkakaroon tayong mga Pinoy sa ganitong panahon gayundin ay kung paano ito nakukuha.
SIPON-LAGNAT-FLU-UBO
Ang sipon, lagnat, ubo at influenza o flu ay ang nagungunang water-borne diseases, karaniwan ding may kasama itong ubo at sore throat.
Napakadali lamang na ipasa ang mga ito, dahil ito ay infection na sa simpleng paghawak lamang sa hinawakan ng taong may sakit nito ay maaari ka nang mahawa.
Ang kailangan upang maiwasan ito ay palakasin ang resistensiya, magkaroon ng wastong paghinga at wastong pag-inom ng tubig.
Bagama’t karaniwang kusang nawawala ang sakit na ito makalipas ang ilang araw, ito rin ay maaaring mapunta sa malalang kaso lalo na sa mga taong may mahinang resistensya kung saan ay maaari rin itong ikamatay.
Samantala ang ubo mismo ay hindi sakit, ito ay isang sintomas ng sakit, kung kaya tayo napapa-ubo ay para mailabas ng katawan ang mga maduming particles na napupunta sa ating baga.
Kabilang na dito ang mga alikabok at iba pa o ‘di naman kaya ay mga bacteria o mikrobyo, minsan, may mga bahagi rin ng pagkain ang naliligaw at napupunta ng baga, ito ang dahilan kung bakit kapag tayo ay nasasamid ay napapaubo.
Upang maiwasang magkaroon ng ganitong uri ng sakit ay ugaliing kumain ng mga prutas na mayaman sa Vitamin C at syempre palakasin ang ating mga resistensiya at palagiin at panatilihing malinis ang ating mga kamay sa pamamagitan ng laging paghuhugas nito.
DENGUE
Kung ang lagnat o trangkaso naman ay medyo malala ay posibleng dengue na ito. Ang dengue ay isa sa mga seryosong sakit ngayong tag-ulan, nakukuha ito sa pamamagitan ng kagat ng mga lamok na aedess egypti o aedes albopictus.
Ang taong tinamaan na dengue ay kakikitaan ng mga sintomas gaya ng mataas na lagnat, mapupulang rashes saan mang bahagi ng katawan, pagdurugo ng mga gilagid maging ang ilong at pagkakaroon ng maitim na dumi.
Kung makita ang alinman sa mga sintomas na ito ay agad na magpatingin sa doktor, upang maiwasan ito ay ugaliing gumamit ng mosquito repellant lotion lalo na mga bata.
Ang dengue pa naman ay nakadepende sa pasyente ang paggaling sa sakit, ang mga bata ay mas mahina kaysa sa mga nakatatanda kaya naman dapat na ingatan natin upang hindi sila magkasakit o madale ng dengue.
Ang ginagamot sa dengue ay ang mga sintomas nito, kailangan magamot ang sintomas upang maiwasan ang paglala nito at dahil wala talagang gamot sa sakit na ito ay kinakailangan may sapat at wastong pagkain ang dahil ang resistensya ng tao ang siyang tatapos at magpapagaling sa dengue.
Marami ring kaso ng dengue na humahantong sa kamatayan kung ito ay mapapabayaan at hindi kaagad na madi-detect.
Kinakailangan na panatilihing malinis ang ating mga kabahayan at paligid at huwag hayaang may mga stagnant water a paligid na pinamamahayan at pinangingitlugan ng mga lamok para hindi na sila dumami pa.
DIARRHEA
Ang diarrhea o pagtatae ay kabilang naman sa mga mas seryosong water-borne disease na madalas na makuha ng isang tao sa pag-inom ng maduming tubig at pagkain ng maduming pagkain na nakontaminahan ng feces o tae na galing sa taong infected.
Ito ay delikado lalo na kung sobrang madi-dehydrate, dahil ang dehydration ay resulta ng pagtatae lalo na kung sasamahan pa ito ng pagsusuka.
Kinakailangan ng mga taong ganitong sakit ng maraming fluids na mayaman sa electrolytes, maganda rin ang pag-inom ng maraming tubig at karaniwan ding ipinapayo ang wastong pagpapahinga.
Siguraduhin ding malinis rin ang lahat ng mga kinakain, iniinom at mga kagamitang ginagamit ninyo sa pagkain.
MALARIA
Ang malaria naman ay sakit din na uso tuwing tag-ulan, kagaya ng dengue ay nakukuha rin ito sa kagat ng lamok na tinatawag na anopheles mosquito.
Dahil sa laging may mga stagnant water sa tuwing umuulan ay laging may mga mapapamahayan ang mga lamok na katulad ng anophles mosquito kung saan doon na rin sila nangingitlog.
Ang palatandaan ng malaria ay lagnat sa regular na interval, shivering o pagnginginig, pananakit ng mga muscle at panghihina, ang madalas na ipinapayo ng mga doktor ay huwag balewalain ang malaria.
Kapag nakita na ang mga sintomas nito ay magtungo kaagad sa pinakamalapit na ospital o pagamutan, katulad din ng dengue ay dapat din na gumamit ng mosquito repellant upang makaiwas sa kagat ng lamok.
Huwag din hayaang magkaroon ng mga stagnant water kung saan doon nga maaring mamahay at mangitlog ang mga lamok.
LEPTOSPIROSIS
Ang leptospirosis ay nakukuha sa pagpasok ng maruming tubig na contaminated ng ihi at dumi ng daga sa katawan ng tao.
Madaling nakakapasok ito sa mga open wound katulad ng mga ingrone, sugat o gasgas, pwede ring makuha ito sa pag-inom o pagkain ng mga pagkaing contaminated ng ihi at dumi ng daga.
Mabilis na isugod sa pagamutan o ospital ang mga taong mayroong leptospirosis at iwasan din ang paglusong-lusong sa baha lalo na kung may mga sugat sa paa.
CHOLERA
Ang cholera ay isa sa mga deadly disease na kumakalat tuwing tag-ulan, ito ay sanhi ng kontaminadong pagkain at inumin na kadalasang nangyayari sa mga lugar na may poor sanitation facilities.
Ang napaka-common na sintomas ng cholera ay ang pagkakaroon ng matubig na dumi, pwede ring makaranas ng pagsusuka, dehydration at muscle cramps.
Upang maiwasan ito ay panatilihing malinis at fresh ang iniinom na tubig o kung ano mang luquids yan at kinakain gayundin ay tiyaking laging malinis ang paligid at magkaroon ng maayos na hygiene.
TYPHOID fever
Ang typhoid fever ay isa sa mga mapanganib na sakit tuwing tag-ulan, ang pinakapinangangambahan sa sakit na ito ay dahil maaaring manatili sa gall bladder ang impeksyon na dulot ng typhoid o kahit pa magaling na ang tao sa typhoid.
Pwede itong maging fatal kung saan ang pinaka-common symptom nito ay ang matagal na lagnat, kasama rin ang severe abdominal pain at pagsakit ng ulo.
Ito ay isang highly communicable disease na ang ibig sabihin ay madali itong maipasa o makahawa, kinakailangan na i-isolate ang taong meron nito upang maiwasang kumalat ang sakit.
Malaki ang maitutulong ng maagang pagbaba-vaccine upang maiwasang makapitan ng sakit na ito, ipinapayo rin ang maraming pagkunsumo ng fluid o tubig upang maiwasan ang dehydration.
At dahil karaniwang tumatagal ng mahigit dalawang linggo ang sakit na ito ay dapat na tutukan at alagaan ang taong kinapitan nito hanggang sa fully recovered na siya.
So, dahil importante ang ating mga kalusugan lalo naman ang ating buhay ay pangalagaan ito at huwag hayaang kapitan ng anumang sakit na pwedeng maging hadlang sa ating pang-araw-araw na buhay, and worse maging sanhi ng kamatayan, laging isa-isip na HEALTH IS WEALTH! So, stay healthy!!