USSA tutulong sa PSC

Nakaalyado ng Philippine Sports Commission (PSC) ang United States Sports Academy (USSA) para mas lalong mapa­lakas ang pangangaila­ngan ng bansa sa human resources sa sports.

Isasagawa sa dara­ting na Marso ang una sa serye ng maiikling sports courses na nakatuon para sa pagpupuno sa panga­ngailangan ng ahensiya pati na rin ng mga National Sports Association (NSA).

Layunin ng programa ng PSC na maipagpatuloy ang pagpapataas sa ang­king kaalaman at kakayahan ng bawat coaches, trainers at sports professionals sa bansa.

Ang USSA ang magbibigay at mamamahala sa education at training programs para sa mga indibidwal at grupo na mapipili ng ahensiya.

“We are also arranging plans with the Commission on Higher Education and the University of the Philippines,” hirit pa nitong Martes ni PSC Chairman William Ramirez.

Lahat ng mga interesado ay maaring kumuha ng mga impormasyon at forms sa PSC-USSA International Certificate for Sports Management Course sa via http://www.psc.gov.ph sa Philippine Sports Institute Programs. (Lito Oredo)