UST idedepensa ang titulo nang walang Ninobla, Reyes

Puntirya ng University of Santo Tomas na sikwatin ang back-to-back title sa UAAP Season 81 poomsae tournament ngayong araw sa Blue Eagle Gym.

Pero magdedepensa ang Growling Tigers na wala ang kanilang dalawang pambato.

Graduate na sina Jocel Ninob­la at Rodolfo Reyes, Jr. na mga pangunahing instrumento ng UST sa kanilang pagsilo ng korona nakaraang taon.

Nito lang, sumungkit si Reyes ng bronze medal sa 2018 Asian Games sa men’s team event kasama sina Jeordan Dominguez at Dustin Mella.

Ang one-day event ay sisimulan ng alas-dos nang hapon.

Pakay naman ng Season 79 titlist De La Salle na bigyan ng send off si former world champion Rinna Babanto sa kanyang huling taon.

Bukod sa Green Archers, magiging mahigpit na karibal din ng UST sa trono ang University of the Philippines na kakapitan si Janna Oliva.

Samantala, target din ng UST na sungkitin ang pangalawang sunod na titulo sa juniors taek­wondo championship, magsisimula ang banatan sa alas-nuwebe nang umaga.