Isang masarap na meryenda ang pa-thank you ng Sto. Tomas Golden Tigresses sa kapitbahay sa Sampaloc na FEU Lady Tamaraws nang ihatid ang reigning champions La Salle Lady Spikers sa playoffs.
Dahil sa pagkapanalo ng FEU volleybelles noong Linggo, magkakaroon ng tsansa ang kampo ng USTe na masungkit ang twice-to-beat bonus para sa semifinals.
Sa post ng FEU Athletics, makikitang enjoy ang Lady Tamaraws sa pa-pancit na may caption pang “Thanks for the merienda @USTWVTofficial”
Nag-reply naman ang España-based squad ng “As Jesus Christ once preached… Love Your Neighbors. #BeBrave #KamiNaman.”
Masasaksihan ang playoffs ng UST at La Salle ngayon, samantalang maghaharap naman ang FEU at Ateneo Lady Eagles sa Sabado para sa pagsisimula ng semifinals. (Janiel Abby Toralba)