Mga laro ngayon:
(FEU Diliman)
9 a.m. – NU vs AdU (men’s)
1 p.m. – DLSU vs UST men’s)
3 p.m. – FEU vs UE (men’s)

Mapapalaban agad ang last year’s runner-up University of Santo Tomas sa De La Salle sa pagbubukas ng UAAP Season 81 men’s football tournament sa FEU-Diliman pitch.

Magsisimula ang banatan sa pagitan ng Growling Tigers at Green Archers sa ala-una ng hapon.

Magkakaldagan naman ang National University Bulldogs at Adamson University Falcons sa alas-9 nang umaga habang bakbakan naman ang Far Eastern University­ Tamaraws at University of the East Red Warriors sa alas-3 ng hapon.

Kinapos ang UST sa University of the Philippines nakaraang season at ngayon ay nawala na ang ibang key players nila sa pangunguna nina Marvin Bricenio at Gino Clariño, pero para kay coach Marjo Allado mana­natiling solido ang kanilang koponan dahil nandyan pa sina Steven Anotado, Dexter Benecio at Ian de Castro.

Kakapitan naman ng De La Salle sina Yoshi Koizumi, Paeng Siggaoat at Jed Diamante para makasampa muli sa Final Four at magkaroon ng tsansa sa asam na titulo.

Matapos ang seventh place finish nakaraang taon, muling susubok na makasikwat ng korona ang Tamaraws at sasandalan pa rin sina Gibo Mendoza at Harold Alcoresa at ang kanilang rookie na si Gio Pabualan.

Pambato ng FEU high school si Pabualan, inakba­yan nito ang Baby Tamaraws sa eight-peat nakaraang season.