UST, UP MAGTUTULAKAN

Mga laro ngayon (Philsports Arena)
10:00 a.m. — Ateneo vs. NCBA (S Turf)
12:00 noon — PMMS vs. FEU (S Turf)
4:00 p.m. — San Beda vs. St. Benilde (V-League)
6:00 p.m. — UST vs. UP (V-League)

Isa ang maiiwan sa tuktok habang ang isa ay malalaglag pag nagkita ang University of Sto. Tomas at University of the Philippines sa Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa PhilSports Arena sa Pasig ngayong araw.

Magkasalo sa top spot ang Golden Tigresses at Lady Maroons tangan ang 2-0 records, isa sa kanila ang magkakaroon ng mantsa pagkatapos ng upakan sa tampok na laro.
Kasosyo ng UST at UP ang FEU Lady Tamaraws sa unahan ng Group B.

Sinagpang ng Tigresses ang dalawang­ 3-1 victories laban sa San Beda at St. Benilde, parehong winalis sa three sets ng Lady Maroons ang Red Spikers at Lady Blazers para masiguro ang pagsampa sa quarters ng midseason conference ng ligang inis­ponsoran ng Shakey’s.

Sinuwag ng Lady Tamaraws ang St. Benilde sa three sets at San Beda sa apat na sets.

Kagaya ng UST at UP, sampa na rin ang FEU sa quarters pero mahalaga pa rin ang bawat laro dahil bukod sa momentum ay carryover ang karta sa susunod na round sa event na suportado ng Mikasa at Accel.

Sasandalan ng ­Tigresses ang magka­patid na EJ at Eya Laure kasama sina Christine Francisco at Cherry Anne Rondina para ideretso ang winning streak.

Ibabangga ng Lady Maroons sina Isabel Molde, Diana Carlos, Nicole Tiamzon, Justine Dorog at Katherine Bersola,

Sa unang laban, magtatapat ang parehong lag­lag na sa kumpetisyon na San Beda at St. Benilde.