Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial Baseball Stadium)
8:30 a.m. – AdU vs UST (Softball Finals)
12 noon – DLSU vs Ateneo (Baseball Finals)

Nakatakdang magtuos ang defending champion Adamson University at University of Santo Tomas ngayong umaga sa best-of-three championship series ng UAAP Season 81 women’s­ softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nasa kukote ng Lady Falcons na pahabain ang dominasyon sa siyam na sunod na taon pagharap sa Tigresses sa alas-8:30 ng umaga.

Para sa UST sisikaping­ tuldukan ang tatlong sunod na pagkabigo sa finals.
Bago sumalang sa championship round tinalo ng Adamson University ang National University habang dalawang panalo ang kinailangan ng UST upang patalsikin ang No. 2 De La Salle University.

Sasandalan ng Lady Falcons sina Arianne Vallestero, reigning MVP Jeanette Rusia at Krisha Cantor.

Pamumunuan naman ni rookie Celyn Ojare ang depensa para sa Tigresses.
Sisimulan din ng DLSU at Ateneo de Manila University ang race-to-two finals sa men’s baseball sa alas-12 ng tanghali.

Pangalawang sunod na Finals appearance ng top-ranked Green Batters. (Elech Dawa)