Sumabog ang isang malaking eskandalo ngayon sa loob ng University of Santo Tomas (UST) campus kung saan nabunyag ang isang Facebook group chat na nagpapakita at nagpapakalat ng mga malalaswang picture at video ng mga babaeng estudyante na ang ilan ay menor de edad mula sa iba’t ibang eskwelahan at unibersidad sa Metro Manila.

Ibinunyag ng ‘Anon Leaks’ sa kanilang Twitter account ang mga screenshot ng group chat ng mga estudyanteng sangkot kasama ang isang propesor mula sa Faculty of Enginee-ring, gayundin ang iba’t ibang larawan ng mga babae na ilan ay malalaswa na nakaipon sa Google drive.

Pinagpipiyestahan ng mga miyembro ng nasabing GC ang mga hubad at malalaswang la-rawan ng mga babaeng estud-yante na ang ilan ay mga high school na walang kaalam-alam na napasama na ang kanilang mga private picture sa nasabing FB group chat.

Naka-folder sa Google drive ang pangalan ng mga univer-sidad at eskwelahan sa Natio-nal Capital Region (NRC) –Quezon City kung saan kasama ang University of the Phi-lippines, Far Eastern University , STI-Cubao, Stella Maris, St. Peter at Ateneo.

Sa NCR-Marikina kasama ang St. Scholastica at sa NCR-Pasig ang University of Asia and the Pacific, Pasig Catholic College at Sacred Heart Academy.
Ayon sa nakalap ng balita ng Abante mula sa The Varsitarian, ang opisyal na pahayagan ng UST, sinabi ni Kirby Salonga, engineering student council treasurer, na nagsagawa na ng fact finding meeting ang Faculty of Engineering sa mga estudyanteng sangkot sa eskandalo.

“They (students) all intend to willingly step forward to shed light on the matter. They categorically stated that they have no intention of evading the issue,” sabi ni Salonga sa online interview ng The Varsitarian.
Nabatid na ipinatawag na din ang ilang sangkot kasama ang kanilang mga magulang sa dean’s office ng unibersidad.

Iimbestigahan din umano ang isang propersor na kasali sa group chat.
Kasama umano sa Google drive nang nag-leak na mga private photos ang mga babae mula sa iba’t ibang eskwelahan sa Quezon City, Las Pinas, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Paranaque, Pasig, San Juan, at Taguig.
Ilang mga estudyante ang lumutang at ibinunyag ang pa-ngalan ng sangkot na Enginee-ring student at propesor kasali sa GC.

Nag-trending sa Twitter ang isyu kung saan isang babaeng estudyante ng Our Lady of Merc­y School of Q.C na umano’y batchmate ng sangkot na engineering student, ang lumutang at inireklamo ang hindi awtorisadong paggamit sa kanyang mga private picture sa nasabing group chat.

Kinondena din ng Commission on Anti-Sexual Misconduct and Violence (CASMV) ng Ateneo de Manila University ang ibinunuyag ng Anon Leaks na umano’y nagpapahiwatig ng ‘rape culture’.

Sakaling mapatunayan, maari umanong kasuhan ang mga ito nangp aglabag sa ‘Ba-wal Bastos Law’ na kamakailan lang inaprubahan at iniakda ni Senador Risa Hontiberos.