Utak at diskarte sandata ni Oconer

george-oconer

Utak at diskarte ang isa sa gagawing sandata ni George Luis Oconer para masungkit ang unang LBC Ronda Pilipinas t­itle paglarga ng 2017 edition sa Pebrero 4 sa Vigan, I­locos Sur.

“If I race intelligently, I will have a strong chance,” saad ni Oco­ner,  anak ng dating two-time Olympian cyclist na si Norberto.

Pero inaasahan na dadaan si 24-year-old Oconer sa butas ng karayom dahil hindi pa man nag-uumpisa ang laban ay mainit na ang mga mata ng ibang big guns sa kanya sa event na nakataya ang P1M premyo para sa magkakampeon.

Dalawang qualifying races ang sinikwat ni Oconer na naka-lineup sa Go for the Gold team, una sa Subic noong Nobyembre at pangalawa sa B­acolod City sa kaagahan ng Disyembre.

“I’m focused and determined on finally winning it this year because I feel I’m more matured now,” saad ni Oconer na sumegunda kay 2015 at two-time LBC Ronda champion Santy Barnachea.

Isa sa mga babantayan ni Oconer ang mga siklista sa Navy-Standard Insurance team na dinomina ang three-leg edition ngayong taon.

Kilala rin na mahuhusay sa akyatan ang team Navy-Standard Insurance.

Pamumunuan ni team captain Lloyd Lucien Reynante ang Navy squad na sumikwat sa Luzon, Visayas at Mindanao legs kasama sina Jan Paul Morales at Ronald Oranza.

Dalawang legs ang napunta kay Morales habang isa kay Oranza.

Kasali rin ang ibang dating champions ng Ronda na sina Barna­chea (first at fifth editions), Mark Galedo (second), Irish Valenzuala (third) at Reimon Lapaza (fourth).