Patay ang lider ng notoryus na ‘hi-way boys’ habang arestado ang 37 miyembro nito sa isinagawang pagsalakay ng pulisya sa kuta ng mga ito kamakalawa ng gabi sa Cainta, Rizal.

Ayon kay Rizal Provincial Director Sr. Supt. Albert Ocon, ang nasabing grupo ay notoryus sa robbery hold up, pagbebenta ng ilegal na droga at gun for hire na ang operasyon ay sa mga bayan ng Rizal, Marikina City gayundin sa Pasig City.

Napatay ang lider ng grupo na nakilalang si Orly Dequina, na target ng mga awtoridad ng kanilang lusubin ang hideout ng mga ito sa Floodway ng nasabing bayan matapos na makipagpalitan ito ng putok sa mga pulis pasado alas-10:00 ng gabi.

Bukod sa napatay na lider na nakuhanan ng kalibre .45 baril ay naaresto din ng pulisya ang 37 miyembro ng grupo habang hindi pa batid na bilang na dami ng shabu at mga paraphernalia ang nasamsam ng pulisya.

One Response