Lumalaki na ang tsansang maaresto na ang responsable sa pag-iwan at nagpasabog ng bomba sa Roxas night market sa Davao City noong Setyembre 2.

Ito ay matapos matukoy ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakilanlan ng pangunahing suspek sa malagim na pagsabog na ikinasawi ng 14 katao at ikinasugat ng halos 70.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, positibo umanong na identify ang suspek base sa testimonya ng dalawang masahista.

Sinabing nakilala ang suspek kahit na may takip ang kanyang mukha sa pamamagitan ng pagprisinta sa mga testigo ng 20 mga larawan o portraits na nagpapakita ng mga features ng mukha ng suspek.

Dito, kinumpirma rin ni Dela Rosa na miyembro ng isang teroristang grupo ang suspek bagaman ­ayaw muna niyang tukuyin ang grupo na kinabibilangan nito.