Utak sa Marawi siege ‘di pa nakakatakas

Letter To The Editor

Dear Sir:

Malaki at malakas pa rin ang paniniwala ng pamahalaan na nasa Marawi pa rin ang utak at may kagagawan ng giyera sa naturang lungsod.

Batay sa pagsisiyasat ng mga sundalo, hindi nakawala sa Marawi si Hapilon. Hindi rin umano totoo ang balitang namataan ito sa Basilan ayon sa mga kumakalat na impormasyon.

Sa ganitong pagkaka­taon, ipaubaya na lamang natin sa pamahalaan at militar ang mga magi­ging hakbang nila. Huwag na sana tayo dumagdag sa problema lalo na sa pagkakalat ng mga impormasyong wala namang sapat na basehan. Magdudulot lang ito ng takot para sa mga kapatid nating nasa mga lugar na kritikal lalo na at tahasang binabanggit pa kung nasaan umano ang presensya ni Hapilon.

Makipagtulungan na lamang tayo sa kinauukulan dahil sa ‘yun lang ang ating maitutulong. Iwasan ang pekeng balita na nagdudulot ng pangamba sa mamamayan.

Jamaica Rey
Compostela Valley

***

Dear Editor,

Naiintindihan ko ang pighati ng mga kaanak ng mga namatay na indi­bidwal na naka-enkwentro ng militar sa Isabela. Natural lang sa kanila na makaramdam ng halong lungkot at galit dahil sa pagkamatay ng kanilang mga kamag-anak. Normal lang din na paniwalaan nilang hindi miyembro ng NPA ang mga ito, at sa halip ay ipaglaban na sila ay mga ‘ordinaryong mangingisda’ lamang.

Pero sa palagay ko, kahit sinong tao man ang susuri ng isyung ito, masasabing lehitimo ang ope­rasyon ng AFP na humantong sa enkwentrong ito.

Una sa lahat, may mga lehitimong report na nakalap ang AFP kaya nag­ronda sila sa lugar na kung saan namatay ang mga hinihinalang miyembro ng NPA. Ayon sa balita, ang impormasyong nakalap ng AFP eh patungkol sa mga di kilalang mga kalalakihan na sapilitang kumukuha ng pagkain at pera sa ilang mga residente sa Isabela. Kung totoo man mangingisda yung mga namatay, eh anong ginagawa nila dun sa area? Kahit sinong may sentido kumon, magtataka.

Divine Ojeda

***

Dear Sir:

Ang banta ay hindi nawawala at kahit saan ay mayroong pagbabanta yan ang sinabi ni AFP spokesperson Brigadier General Restituto Padilla Jr.

Ngunit sinabi rin niy­a na walang dapat ika­bahala dahil nakatalaga­ ang mga sundalo sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang banta sa ating seguridad ay palaging nariyan ngunit makakayanan­ na­ting itong harapin kung tayo ay may tamang paghahanda para rito.

Magtiwala tayo sa sinabi ni Gen. Padilla na hindi na kakalat pa ang lagim na dulot ng Maute-ISIS group. Magtiwala tayo sa katapangan, lakas, galing at katapatan ng mga sundalong nakabantay sa ating mga pamayanan.

Marami mang rebeldeng grupo, marami rin naman tayong matitikas­ na sundalo. Ang kailangan natin gawin ay makipag kooperasyon sa awtoridad lalo na sa ating mga kapa­tid na nasa mga lugar na talamak ang mga terorista.

Andrew Aranas
Tanay, Rizal

***

Dear Sir:

Inakusahan ng grupong Anak Pawis ang mi­litar na madali lang umano sakanila ang magbigay ng malisyong intensyon laban sa kanilang grupo. Ayon kay Anakpawis Party-list Representative Ariel Casi­lao madali lang magbintang ang militar sa indibidwal at tawagin itong NPA. Ngayon naman na nakumpiram na ang kanilang miyembro ay kaanib talaga ng NPA sasabihin niyang “If he decided later to join the NPA that’s his own choice anak pawis has no control over that”.

Kung hindi ba naman tanga at kalahati itong si Casilao, sinabi niyang pinagbintangan lang ng AFP na NPA ang miyembro nila, ngayon naman ay biglang kambyo niya na sariling desisyon umano ito ng kanilang miyem­brong nabisto. Ayaw pa kasing umamin na gala­may naman talaga sila ng NPA, ayan tuloy nahihirapan na silang maghanap ng palusot. Casilao, pahiya sa sariling dila.

Louch Aquino
Bataan

***

Dear Editor,

Nakakagigil yung mga taong nasa likod ng pag-aalsa ng mga lumad na kabilang sa mga bakwit na galing Marawi. Sa halip na tumulong na lang dahil pare-pareho naman tayong mga Pilipino, puro lamangan at siraan ang alam gawin.

Puro bintang na may ‘human rights abuses­’ at hindi raw tumutupad ang gobyerno sa pangako­ nitong mapabuti ang kanilang kalagayan. Sige nga, kung may mga human rights violations ngang naganap, magkaso kayo!

Padaanin ninyo sa tamang judicial process hindi yung papagurin nyo pa yung mga kapatid nating lumad na magmartsa at mag-rally dito sa Maynila.

Tinturuan nilang maging baluktot ang kaisipan ng mga lumad na bakwit sa pamamagitan ng pagbe-brainwash sa mga ito para magalit sa ating Presidente.

Obvious naman na team HEPA at mga DI­LAWAN nanaman ang may pakana ng mga ito at ginagamit ang mga walang kamuwang-muwang at dapat sana ay pinoproteksyunan nating mga kapatid na indigenous people.

Meynard Dasig