Dear Atty. Claire,

Gusto ko lang pong alamin tung kol daw sa utang ng aking asawa. Siya po ay pumanaw na isang taon na po ang nakaraan. Sa ngayon po meron taong naniningil ng utang sa asawa ko. Tinatanong ko po kung anong utang meron ang asawa ko at ang sabi ay pera daw po.Ang sagot ko po wala akong alam na utang dahil ako po lagi sa abroad .Sa lagi po akong umuuwi ng Pilipinas ay wala naman pong binabangit ang asawa ko na utang niya. Umuwi po ako kada tatlong buwan. Noong huling nagkita kami nabanggit niya na sa akin na pag ‘di raw ko babayaran ang naturang utang lalapit daw siya sa abogado para mapilitan akong magbayad . Wala na man po siyang pinapa­kitang kasulatan ng aking asawa o collateral .Papaano po ba yan dahil naguguluhan ako?

Salamat po,
Ferdie

Ferdie,

Tama ka na dapat na tanungin kung ano ba ang pagkakautang ng asawa mo. Kung totoo ba o hindi ang sinasabi ng taong naniningil sa iyo.

Unang-una ay siya dapat ang magpakita sa iyo ng ebidensya kung ano ang naging transaksyon ng asawa mo sa kanya. Pangalawa, kung totoong umutang ang asawa mo ay hindi naman kaagad na ikaw ang magbabayad niyan dahil dapat pa niyang mapatunayan na ang inutang na pera ay ginamit upang mabe­nipisyuhan ang pamil­ya ninyo dahil kung ginamit ito sa isang iligal na transaksyon tulad ng sugal ay hindi ka mapipilit na magbayad o pati na ang properties na sakop ng absolute community or conjugal partnership of asset or property ninyo ay hindi sasagutin ang utang na ito.

Huwag kang matakot sa panakot niya na hahanap na siya ng abogado para mapilitan kang masingil dahil hahanapan din siya ng isang matinong abogado ng mga ebidensya upang makagawa siya ng isang demand letter.

Huwag magbibitiw ng pera basta-basta dahil marami nga­yon ang manloloko at nagppanggap upang makaisa at makakuha ng pera.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com