Hinikayat ni Senadora Nancy Binay ang iba’t ibang ahensyang pampinansyal ng gobyerno na magpataw na anim hanggang isang taong loan payment moratorium para sa mga naapektuhan ng patuloy na pagsabog ng Taal Volcano.
“We can help ease the burdens of our kababayans hit by natural calamities and a way for government agencies to show continuing concern for its members, and its way of helping out its members during their times of need,” sabi ni Binay.
“Nananawagan din po tayo sa mga local government units na huwag muna maningil ng penalties sa mga hindi makakapagbayad ng real property taxes at mga businesses na ‘di makapag-renew ng business permits dahil naapektuhan sila ng pagputok ng Taal,” dagdag pa nito.
Bukod diyan, nanawagan din si Binay sa mga private at government banks, lending agencies at financial institutions na ipagpaliban ang loan payments sa mga borrowers sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity.
“The situation calls for everyone to be more caring and compassionate. ‘Yung pagbibigay ng loan moratorium and debt restructuring ay malaking tulong para makabangon ang ating mga kababayan,” ani Binay.
“Compassionate care is an important component of rebuilding, and will surely make a difference,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)