Utol ng ex-konsehal sa Bacolod inambus

Tinambangan ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem ang isang negosyante na kapatid ng isang da­ting konsehal sa Bacolod City, Linggo ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Roberto ‘Kaisek’ Lo Tan, kuya ni dating Bacolod Konsehal Ricardo ‘Cano’ Tan.

Ayon sa ulat ng Bacolod City Police Office, bandang alas-9:45 ng umaga nang tambangan ang biktima habang sakay ng kanyang Nissan Sentra sa kahabaan ng Montelibano Avenue sa Greensville 1 Subdivision, Brgy. Estefania, Bacolod City.

Nag-overtake umano ang motorsiko ng mga suspek at anim na beses na nagpaputok ng baril hanggang sa bumulagta ang biktima.

Hindi naman naabutan ng mga rumespondeng pulis ang mga suspek.

Matatandaang, tinambangan din ang dating konsehal­ noong nakaraang taon habang kasama ang kanyang asawa pero nakaligtas sila sa pamamaril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring krimen. (Vick Aquino)