Utol ni Bistek, umaming may dyowang bading

PASABOG ang Facebook post ng younger sister ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sabi ni Harlene Bautista, “I had a relationship with a Vaklush. Now, I know.”

Maraming nag-react sa FB post na ‘yon ng mi­sis ni Romnick Sarmenta.

Sa palitan namin ng Private Message (PM) sa FB, pilit naming inu­sisa si Harlene kung showbiz din ba ang vaklush na nakarelasyon niya, pero ayaw naman niyang sabihin at tawa lang siya nang tawa.

Sabi namin kay Harlene, marami ang naloka sa revelation niyang ‘yon.

“Ako rin, naloka! Wahahahahaha!!!!!

“Found out from a friend,” PM sa amin ng kapatid ni Mayor Bistek.

Alam na ba ng vaklush na nakarelasyon niya na buking na niya ang sexual preferences nito?

“Hahaha. Baka hindi pa niya alam,” sey lang ni Harlene.

Teka! Hindi kaya ex-member ng That’s Entertainment ang vaklush na nakarelasyon niya?

Noon kasi, mara­ming mga taga-That’s… ang natsitsikang bading, ‘noh?

Tawa na naman nang tawa si Harlene at sinabihan na lang namin siya na ang hirap ng blind item niya at walang clue, huh!

PM pa namin sa kaniya, “Buti na lang malinaw na ‘I HAD’ ang iniligay mo kaya absuwelto na si Romnick!” na sinagot naman niya ng, “Koreeeeekkkkk! Lalaking-lalaki siya. Hahaha!”

Biniro rin namin si Harlene na ang pagkakaroon niya ng relasyon noon sa vaklush ang kaka­bog sa revelation ng ex-future sister-in-law sana niya na si Kris Aquino na nagbigay ng diamond ring at nag-propose rito ang kaniyang Kuya Bistek, pero mukhang ayaw maintriga ni Harlene, kaya biglang quiet siya sa komento namin.

Samantala, tuloy daw sa January 6 ‘yung pagkikita-kita nila ng mga dating kasamahan sa That’s Entertainment, pero hindi pa raw ‘yon ‘yung malaking reunion na pinaplano nila.

‘Ang Larawan’ dinagdagan na ng sinehan

Bago pa nanalong best picture sa 2017 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal ang pelikulang Ang Larawan noong Wednesday ay nag-post na sila sa Facebook ng, “Great news! We no longer need to release a list of cinemas we’re NOT showing because we did not lose any cinemas, rather, we gained back 3 starting tomorrow! Robinsons Magnolia, Robinsons Las Piñas and SM Manila! Woohoo! #ContraMundum #ShowLarawanSomeLove #MMFF2017.”

Eh, dahil sa ilang awards na nakuha nila, marami ang naniniwalang lalakas sa takil­ya ang Ang Larawan, kaya dadami na kaya ang mga sinehan nila? Marami nga palang mga taga-showbiz ang nagka-campaign na panoorin ang Ang Larawan.

FAMAS Awards walang kaingay-ingay

KUNG hindi pa kami nakatanggap ng text noong Wednesday sa producer­ ng Higanti, hindi namin malalaman na may FAMAS Awards Night pala kagabi. Nominated kasi si Assunta de Rossi, kaya idinaan sa amin ang invitation para sa kaniya.

Eh, nasa taping ng Impostora si Assunta noong Wednesday at walang time para maghagilap siya ng gown na maisusuot kagabi sa FAMAS, kaya nagpa­sabi na lang siya na malabo siyang makapunta.

Some months back, dapat ay gaganapin na ang FAMAS Awards Night, pero biglang hindi natuloy ‘yon.