Utol ni Jobelle kinapos ng pambayad sa ospital

Utol ni Jobelle kinapos ng pambayad sa ospital

Hindi maasikaso ni Jobelle Salvador ang kanyang kapatid na si Jonathan na nagka-seizure kaya isinugod sa Makati Medical Center. Naka-base kasi siya sa Las Vegas, Nevada.

Dapat sana’y pabalik na ng Vegas si Jonathan nang ito’y abutan ng lockdown dahil sa COVID-19.

Mag-isa lamang ang kapatid ni Jobelle sa Pilipinas. Nag-balloon ang kanyang hospital bills to more than P300,000.

Dahil sa kakulangan ng pera, nagsimula si Jobelle ng fundraising campaign para sa kapatid na lumalaki ang bayarin.

Ang kapatid ni Jobelle was due for discharge five days ago pa pero hindi siya puwedeng lumabas nang hindi niya nasi-settle ang kanyang hospital bills.Ang kanyang sakit ay posibleng komplikasyon sa diabetes.

Dahil sa kakulangan ngayon ng mga PPEs, lahat ng gamit ng mga doctors, nurses at iba pang medical staff na nag-aasikaso kay Jonathan ay sa kanya na-charge tulad ng N95 mask at P427.50 each, gloves at P307.50 each, PPE suit at P1,650 each maging ang surgical gown na P3,000 ang isa.

Ang magkapatid na Jobelle at Jonathan ay dalawa sa mga anak ng namayapang actor-director na si Leroy Salvador.

Si Jonathan ay half-blind na rin dahil sa pagiging diabetic.