Utol ni Lea ‘importer’ ng instrumento

Muling naghimutok si Gerard Salonga, kilalang musical director na kapatid ni Lea Salonga, sa nakaisip ng batas na nagbabawal sa pagdadala ng mga musical instrument sa pagbiyahe.

Shinare ni Lea ang damdamin ng kapatid sa social media.

“Ok…so we hired (rented) a Christmas medley to perform – a score and a set of parts. The package indicated the contents, and naturally they’re labeled ‘flute’, ‘clarinet’, ‘cello’, ‘trumpet’, and so on.

“The geniuses in the customs office tell our production manager that they will hold the package and charge import duty because we’re importing MUSICAL INSTRUMENTS. Yes. In a FedEx box. Nakaka-proud naman etong mga kababayan kong ito,” na written umano ni Gerard, ani Lea sa kanyang post.

Kamakailan, nagreklamo na si Gerard sa polisiya ng Philippine Airlines (PAL) na irehistro bilang carry-on baggage ang anumang musical instrument. Kaya silang mga musikero, napipilitang ilagay sa check in baggage ang mga ito.

Problema nila kung sakaling hindi maingatan ang kanilang mga pinakamamahal na instrumento. (Jun Lopez)