Lumalakas ang anggulong may ­kaugnayan sa operasyon ng iligal na droga ang napatay na kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez sa Quezon City kamaka­lawa ng madaling-araw.

Ito ay matapos na kumpirmahin kagabi­ sa isang panayam ng Abante TONITE kay Quezon City Police District (QCPD) Acting Director Sr/Supt. Guillermo Lorenzo Elea­zar na dati nang nahuli ang napatay na si Aurora F. Moynihan, 45, nakatira sa No.83 Ecology Village, Makati City sa kasong illegal drugs sa Taguig City.

Sinabi pa ni Eleazar na base sa record verification ng Southern Police District (SPD), Pebrero 2013 nang maaresto si Moynihan sa Taguig City kasama ang pitong katao na kinabibilangan nina ­Joana Paula Tinga, Philip­ ­Crespo, Ester Minorete, Eileen Adeza, Luisito Mabilog, Crayon Sheafer Ong, at Henry Tinga.

Nasamsam sa grupo ang iba’t ibang uri ng iligal na droga kagaya ng shabu, marijuana, ecstasy ­tablets at iba pang drug paraphernalias at ipinagharap ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

“Maaring naka-bail si Moynihan at dumadalo pa sa hearing dahil nakakulong pa rin ang iba niyang kasamang nahuli noon,” pahayag ni Eleazar.

Kinumpirma rin ng opisyal na base sa inisyal na pagsisiyat ng imbestigador ng kaso na may impormasyon sa mobile phone ni Moynihan na nag-uugnay dito sa illegal drugs activities.

Samantala, ­hanggang kagabi ay wala pa umanong kaanak si Moynihan na nagtutungo sa QCPD upang makapagbigay ng dagdag na impormasyon na makakatulong sa imbes­tigasyon sa kaso.

Matatandaang pinagbabaril si Moynihan ala-1:45 ng madaling-araw nitong Sabado sa tapat ng isang bahay sa No. 8-Temple Drive kanto ng Giraffe St., Brgy. Ugong Norte, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa crime scene narekober ang limang piraso ng basyo ng .40 na baril,  isang tingga, apat na plastic sachet ng shabu at mga paraphernalia.

May nakalagay din na cardboard sa bangkay ng biktima na nakasulat ang katagang “Drug Pusher ng mga Celebrities Kasunod na Kayo”.

One Response