Tinawag ni Senator Antonio Trillanes IV na “political bluff” ang ipinalabas na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para isapubliko ang kanyang net worth o taglay na kayamanan.
Ani Trillanes, hanggang salita na lamang ang naturang kautusan ng Pangulo dahil hindi rin naman aaksiyon ang isang ahensiya kung walang formal written request.
“Political bluff lang ‘yang panawagan niya sa AMLC kasi alam niya na hindi naman ito gagalaw basta-basta nang walang formal written request. At kahit na meron man, hindi mandato ng AMLC na magbilang ng net worth ng sino man,” ayon kay Trillanes kasabay ng panawagan sa Pangulo na: “Tama na ‘yang mga bola mo, Mr. President, buksan mo na kung wala kang tinatago.”
Kung tunay na wala umanong tinatago at malinis ang Pangulo, ang dapat nitong gawin ay pumirma ng waiver para sa bangko upang makita ng publiko ang transaction history ng mga accounts nito.
“Kaya ang pinakamadali ay pumirma siya ng waiver ng bank secrecy na addressed sa bangko para makita ng publiko ang transaction history ng mga accounts niya,” ayon kay Trillanes.
Magugunitang noong Huwebes, ay muling inungkat ng senador ang ukol sa mahigit P2-bilyong bank accounts umano ni Duterte.
hoy gagong salot at peting sundalong kanin ano kaya kung yang bungo mo ang bubuksan ko kung anong laman nyan baka puro tae na ang laman nyan kasi wala kang utaks…
Noon nga hindi siya presidente ay hindi siya pumirma ng waiver at pinakita lang niya ang current balance account sa bank. Ang pinaglalaban natin ay ipakita niya net worth or tagong yaman kung meron nga. Bakit takot ipalabas kung walang anomalya? Ang tunay na galit sa korapsyon ay si Trillanes dahil noon pang GMA ay pinaglalaban niya ang Pilipinas. Alam ng taumbayan yan.
Tumpak. Pero maraming nauuto si Duterte dito dahil hindi nila alam ang proseso. Ang akala nila dahil sinabi ni Duterte na imbestigahan siya ng AMLC, yun na yon. Kaya nga tinatawag ni Duterte na mga BUANG at BOBO ang maniniwala sa kanya. Wala nga talagang pinakamadaling paraan para magkaalaman kung sino ang sinungaling sa inyong dalawa, Trillanes o Duterte, kundi ang pirmahan niya ang waiver na magpapahintulot sa BPI para isapubliko ang bank TRANSACTIONS ng account ni Duterte. Mas maganda pa nag para kay Duterte yun para mag resign na si Trillanes sa pagka Senador kung talagang tutoo ang sinasabi ni Duterte. Ano ang pumipigil kay Duterte para malaman ang katotohanan at para mawala na sa pwesto si Trillanes na isang tinik sa lalamunan ni Duterte?