TOTOO ang chizmis, misis! Pasaway sila!

Dahil siguro sikat at maraming hit songs, ganoon ang asta nila sa fans at fantards nila na buy ng buy ng album sa mga record store.

Nabigyan na sila ng maraming awards at pagkilala. Ang ilan dito ay hindi nila pinuntahan.

Lagi na lang, “In behalf of the band, I accept this award, thank you.”

Sa isang special show nila sa hindi kalakihang lugar, napuno naman.

Nabagot ang mga utaw sa kahihintay. PORTUGAL mag-start ang show.

TAGALOG Ilang-Ilang Productions!

Eto ang nangyari… After nilang mag-sound check, isa-isang nawala ang members.

May magsi-CR. Iinom ng tubig. May kakausapin lang sa fone. Magyoyosi.

Stretching na problem-sol­ving!

Nag-uumingay na ang mga utaw sa ve­nue, kaya ang mana­ger nila ang tino-torture ng mga nagpa-show sa kanila.

8:00 PM dapat mag-start ang show pero 9:30 PM na, waaaah pa ang banda.

Halos maihi sa sala­wal si producer dahil ‘yung manager ng ve­nue, nginangarag siya sa masasakit na salita.

Sa dami ng text ng manager sa members ng band, nakaisip siya ng bonggang text, “Pag di pa kayo pumunta dito, uuwi tayong nasa kabaong na!”

Dahil doon, isa-isa na silang dumating na parang walang nangyari.

Nag-start na ang show with a BANG! BANG! BANG!

***

“Kung suwerte ako, mas suwerte sila sa akin dahil nakasama ako sa show nila!”

Ang yabang, ‘di ba?

Sino ang nagsabi niyan?

Ang makahula ng tama, susundutin ko ang kuyukot!

***

Jowa ng magaling na female singer, pinatulan pa ang mga kalderong give-away sa mga talunang contestant!

Laking gulat ng mga production assistant dahil nakikigulo ang mister ng sing-galing singer sa mga plastik na pitsel na may 4 na baso, kutsara’t tinidor na parang hindi tatagal gamitin at mga kaldero na nasa-sight sa turo-turo.

Waaaah care si kuya kung pagtinginan man siya ng mga utaw sa paligid.

Tinatawag at kinakawayan ni female singer ang mister na huwag nang kumuha dahil binigyan sila ng mas sosyal na gamit.

Pero si kuya, bulag, pipi at bingi ang peg.

Hanggang namagitan na ang marketing exe­cutive ng event, binigyan si kuya ng mga give-away.

Hiyang-hiya si female singer sa inasal ng mister niya.

Ang daming nakakita at nakarinig na nagsasagutan ang mag-asawa.

Afterwards, ngini­ngitian na lang ni female singer ang mga taong nakatingin sa kanila.