UV Express walang prangkisa sa Edsa

“Wala namang inisyung prangkisa ang LTFRB para sa permanenteng biyahe ng mga UV Express sa Edsa.”

Ito ang naging tugon ni Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra sa pag-alma ng mga operators ng UV Express tungkol sa pagbabawal ng UV Express sa Edsa.

Ayon kay Delgra, batay sa kanilang mga datos, walang naisyung prangkisa sa mga UV operators para­ dumaan sa Edsa.

Aniya, malinaw sa prangkisa ng mga UV Express na point to point service sila kaya hindi maaaring mag-pick up o magbaba ng pasahero sa kalagitnaan ng kanilang destinasyon.

Sa pinakahuling update ng LTFRB, sinabi nilang nakagaan nang bahagya sa kahabaan ng EDSA ang ginawang pagbabawal ng LTFRB sa mga UV Express van.