MAIINGGIT ang mga girlash at beks sa isang showbiz girl (SG) dahil sa kanya pala nahumaling ang isang yummylicious male newcomer (YMN).
Talbog ang ganda’t alindog ng ibang female celebs kay SG dahil siya ang sinasamba ng sarap-sarapang showbiz newbie.
Iba ang kamandag ni SG dahil kung tutuusin ay hindi ito kagandahan at mas marami itong kasamahan na nakakalamang sa itsura at kaseksihan, pero NAGSIPAG-UWIAN na ang mga ito dahil ang hitad ang NANALO!
As in waging-wagi si hindi kagandahang SG sa delicious na si YMN, na marami ang nagkakainteres dahil malakas ang dating nito at very promising.
Sa kung anong kadahilanan na tila bordering on superstitious belief ay narahuyo si YMN sa kakaibang karisma ni SG at ito ang umangkin ng kanyang puso.
Muntik kaming malaglag sa upuan sa walang takot na dayalog ni YMN kay SG na, “For me, you’re the most beautiful girl!” dahil hindi namin mawari kung ano ba ang standard of beauty ng masarap na binata.
Totoong-totoo sa kanilang dalawa ang kasabihang ‘LOVE IS BLIND’ dahil para kay YMN ay nuknukan ng ganda si SG kahit taliwas ‘yon sa katotohanan.
Sadya kayang may eksotikang panghalina si SG at nagawa nitong mapaibig si YMN na tila nababatubalani ito o namamalikmata?!
Nasaan ang HUSTISYA, Bes??!
Ang dinig pa namin ay nag-abroad kamakailan ang dalawa at isinama ni SG si YMN sa kanilang lugar sa isang malayong bansa.
Gustong sabunutan ng mga bebot at beki si SG dahil ibig sabihin ay natikman at naangkin na nito ang lahat-lahat kay juicylicious YMN.
“Bakit ganu’n? Anong meron si SG na wala kami?! Anoooooo???!!!” ang maigting na chorus ng mga nanghihinayang at naglalaway-laway kay YMN.
Eh sa ganu’n talaga, eh. May mga bagay na hindi kayang ipaliwanag maging ng Siyensiya.
Tanggapin man natin o hindi, Babaeng PINAGPALA si SG at wala tayong magagawa!
GANDAH MO, GIRL!!!!
WOOOOHHHHH!!!!!!