Todo ang suporta ng ACCEL, isa sa leading locally made shoes and apparel brands sa bansa, sa season-ending Reinforced Conference ng Shakey’s V-League Season 13.

Giniit ni ACCEL owner William Ortiz na iisa ang layunin ng kumpanya at ng V-League, ang mapalawig pa ang youth sports. ACCEL ang official outfitter ng Reinforced Conference pati na ang all-men tournament na Spikers Turf.

“ACCEL is one with the V-League in promoting volleyball in the country,” ani Ortiz.

Masugid na taga-suporta rin si Ortiz ng iba pang sports tulad ng basketball, mixed martial arts, karate, golf at weightlifting.