Mga laro ngayon: 12:30 p.m. — 100Plus vs IEM (S Turf)
4 p.m. — Laoag vs Air Force (V-League)
6 p.m. — BaliPure vs Customs (V-League)
Iiwas sa two-game skid ang BaliPure Water Defenders, pero makakaharap naman nila ang Bureau of Customs Transformers na ibinabandera ng kanilang dating teammate na si volleyball superstar Alyssa Valdez.
Mga miyembro ng dating Ateneo stars at mga batang players ang Water Defenders, makakalaban nila ang matagal na nilang kakampi at sinasandalan na si former Queen Eagle Valdez.
Pero para kay veteran Amy Ahomiro walang rivalry ang magaganap laban sa mahal nilang kaibigan na si Valdez.
“We will always be teammates by heart. Nothing will change. We’ll try to make it different,” wika ni Ahomiro.
Umpisa sa 6 ng gabi ang paluan ng Customs at BaliPure.
May kartang 2-0 ang BoC na nakuha ang panalo na walang imports, ngayon pa lang maglalaro ang kanilang hugot na sina Kanjana Kuthaisong at Natthanicha Jaisaen na mga Thailanders.
Yumuko naman ang BaliPure sa kanilang unang laro kontra walang reinforcements na University of Sto. Tomas.
Hawak ng Tigresses ang top spot na may 4-0 karta habang solo sa second ang Transformers.
Makakabalik na rin sa laro sina Pau Soriano at Lillet Mabbayad matapos lumiban sa pangalawang laban ng Customs.
Magkakaldagan naman sa alas-kuwatro ng hapon ang Team Laoag at Air Force.
Magkasalo sa third ang Power Smashers, Lady Jet Spikers at Pocari Sweat bitbit ang 1-1 records.