Posibleng makalaro na ang imports sa Premier Volleyball League Reinforced Conference bukas, (Martes) matapos ang matagal na paghihintay.

Ayon kay PVL president Ricky Palou ­nakausap nito si FIVB official Tats Suzara at sinabing ­susubukang kunin nito ang international transfer ­certificates (ITCs) ng league imports na may pirma ni FIVB ­president Ary Graca.

“He will try to get it signed by tomorrow,” ani Palou.

Sakaling makuha ngayong araw ang pirmadong ITC ng mga reinforcements ay makakalaro na sila bukas.

Nakatengga ang imports sa first round ng PVL dahil sa delay ng kanilang ITC, April 30 pa dapat sila magla­laro pero hanggang ngayon ay nasa gilid pa rin sila ng kanilang koponan habang pinanonood ang mga kakampi.

Marahil ay isa ito sa dahilan kung bakit hindi pinalaro ng ibang teams sa PVL ang kanilang players sa Clash of Heroes.

Ang CoH ay isang exhibition match na magsisilbing tryout para sa national team.

Sina volleyball superstar Alyssa Valdez, ­three-time NCAA MVP Grethcel Soltones, Myla Pablo at Elaine Kasilag ang mga hindi nabigyan ng clearance ng kanilang teams para maglaro sa Clash of Heroes.