Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
4:00 p.m. — Power Smashers vs. Air Force
6:30 p.m. — BaliPure vs. Creamline

Puntirya ng Creamline na ipanalo ang huling dalawang natitirang laro sa preliminary round para makakuha ng sigla sa susunod na phase ng 2017 Premier Volleyball League Reinforced Conference.

Sa kalagitnaan ng giyera nagpalit ng tournament format ang liga, walang malalaglag na teams pagkatapos ng six-team double round robin.

Swak sa semifinals ang top two, paglalabanan ng Nos. 3-6 ang huling dalawang slots sa Final Four.

Ayon kay former Queen Eagle Alyssa Valdez, gagamitin ng Cool Smashers ang natitirang laro para paghandaan ang playoffs.

Nasa fifth ang Cool Smashers (3-5), haharapin ang nangu­ngunang BaliPure (6-2) ngayong araw sa The Arena sa San Juan, sunod ang Perlas sa Huwebes.

Kahit walong laro na ang Creamline, aminado si Valdez na marami pa silang dapat ayusin sa team at naniniwala itong hindi pa huli ang lahat.

“We have to get confidence and we really have to fight and give all our heart into every game, kasi we’re a combination of young and veteran players and may imports,” aniya.

Nasa No. 2 ang defending champion Pocari Sweat (6-3), sunod ang Perlas (5-4) sunod, Power Smashers (4-4) at pang-huli ang Air Force (1-7).