‘Vagabond’ nina Lee Seung Gi, Bae Suzy naurong

Halos lahat ay nalungkot sa balitang made-delay ang airing ng ‘Vagabond’. Isa ito sa maituturing na biggest and much awaited Korean drama.

Isa kami sa nalungkot kung totoo nga ang naglabasang balita kahapon, April 2, na ang airing nito ay magiging September na raw.

Ang ‘Vagabond’ ang reunion drama ng dalawang Hallyu stars na sina Lee Seung Gi at Bae Suzy. Simula nang makumpirma na tinanggap na nga ito ni Seung Gi last year at mapabalita rin na si Suzy ang magiging leading lady niya, this has become one of the most anticipated drama for 2019.

Hanggang ngayon ay tuloy-tuloy pa rin sa pagpi-filming ang buong cast. May 10 months na halos nila itong sinu-shoot kaya mas lalong lumalalim ang anticipation ng lahat on how good the drama would be.

Bukod sa iba’t ibang lugar sa Korea, mahigit isang buwan din silang nag-shooting sa mga bansang Morocco at Portugal.

Maging ang mga bida nito, lalo na si Lee Seung Gi, ay excited. Makikita mo sa kanya kung gaano ka-proud sa bago niyang drama.

Base sa mga report, ang dahilan daw ng pagkakaantala ay ang filming schedules at pending deal sa Netflix.

Kumpara sa ibang Korean drama, ang ‘Vagabond’ ay ipapalabas simultaneously halos sa buong mundo. Kasabay ng airing nito ay may English subtitle na.

Ang drama na ‘Absolute Boyfriend’ na adaptation from a Japanese Manga series daw ang posibleng pumalit muna at maiere ng SBS.