Mga laro bukas: (Sabado)
(Semifinals)
10 a.m. — Mega Builders vs Air Force (men’s)
1 p.m. — Cignal HD vs Sta. Elena (men’s)
4 p.m. — Creamline vs BaliPure (women’s)
6:30 p.m. — Pocari Sweat vs Hair Fairy Air Force (women’s)
Tatlong larong hindi pumalo ng bola sa Creamline si volleyball superstar Alyssa Valdez, kaya naman sa kanyang pagbabalik mula sa two-week training sa Japan kasama ang national team ay agad itong sumali sa ensayo upang matulungan ang kanyang koponan.
Sasabak sa semifinals ang Cool Smashers laban sa BaliPure sa Premier Volleyball League Open Conference simula bukas sa Filoil Flying V Center sa San Juan.
Subalit hindi pa alam ni two-time champion at three-time MVP sa UAAP kung papayagan siyang maglaro sa kanyang mother club ng kanyang mga coaches sa SEA Games-bound national team.
Nagpahayag agad si former Ateneo star Valdez na maglalaro siya sa Creamline pagkadating nito mula sa 17-day training sa Okayama at Osaka.
“She (Valdez) wants to play and will show up but she doesn’t know if she will be allowed to play,” saad ng league official.
Kinalos lahat ng Cool Smashers ang pitong nakalaban sa elimination round habang 4-3 ang karta ng Water Defenders na tinalo nila ang defending champion Pocari Sweat sa kanilang huling laro.
Alas-kuwatro ng hapon ang bakbakan ng Creamline at BaliPure sa event na inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Mikasa at Asics. Gametime habang magkakaldagan sa isang pares ng semis ang three-time champion Lady Warriors at Philippine Air Force.