Valdez, Creamline pinapak ang Choco

Valdez, Creamline pinapak ang Choco

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Center)
4:00 p.m. – Pacifictown Army vs Motolite
6:00 p.m. – PetroGazz vs Air Force

Apat na set ang kinailangan ng ­Creamline Cool Smashers upang ­kalawitin ang pang-anim na sunod na panalo matapos silang akbayan ni volleyball­ superstar Alyssa Valdez.

Nakipagsanib puwersa si former Queen eagle Valdez kay Gemma galanza upang ilista ang 6-0 baraha ng Cool Smashers.

Dahil sa tikas na ipinakita ni Valdez ay bahagyang naging madali para sa Cool Smashers na paluin ang 25-12, 25-22, 19-25, 25- panalo laban sa Choco Mucho Flying Titans sa Premier Volleyball League Season 3 Open Confe­rence sa FilOil Flying V Centre sa San Juan kagabi.

Nagpakita ng angas ang Flying Titans sa set 2 pero kinapos pa rin at nalubog sila ng dalawang sets papasok ng thid frame.

Nagtulungan sina Kat Tolentino at Maddie Madayag upang makasagot ng isang set ang Choco Mucho at makahirit ng set 4.

Hindi na pinatagal ng Creamline ang laban sa fourth frame, humarurot agad ng 6-1 at tumuloy-tuloy na hanggang sa matapos ang laban.

Nalasap ng Flying Titans ang pangatlong talo sa limang laro. (Elech Dawa)