Mga laro sa Sabado: (The Arena-San Juan City)
4 p.m. – Chef’s Classic vs Pacific Town-Army
6 p.m. – BaliPure vs Creamline
Winalis ni Alyssa Valdez at reigning titlist Creamline ang Pacific Town-Army, 23-25, 26-28, 24-26 para makuha ang ikapitong ratsada sa gayung daming sultada at tibayan ang pag-iisa sa tuktok sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 elims Miyerkoles nang gabi sa The Arena-San Juan City.
Pinangunahan ni volleyball phenom Alyssa Valdez ang Cool Smashers sa hampas na 16 attacks sa kanyang total 18 points.
Nasandalan din ng Cool Smashers si Kyle Negrito nang magdeliber ng 18 excellent sets upang ibigay sa Pacific Town ang ika-3 sunod na talo sa limang laro sa mid season women’s volleyfest.
Wala namang nagawa ang 10 points at 16 excellent digs ni Jovelyn Gonzaga para sa Lady Troopers.
“Army is such a veteran team,” wika ni Valdez. “Kahit anong gawin namin siguro mas smart. I guess we have to play smart din.” (Aivan U. Episcope)