Valdez dismayado sa opener

Mga laro ngayon (PhilSports Arena)
4 :00 p.m. — Pocari Sweat vs ­Power Smashers
6:30 p.m. — Creamline vs BaliPure

Dismayado si volleyball superstar Alyssa Valdez sa talo ng Creamline sa opener ng semifinals ng Premier ­Volleyball League Reinforced Conference ­laban sa BaliPure.

Nakuha ang unang set pero hindi­ naipagpatuloy ng Cool Smashers ang magandang performance matapos ­silang pagulungin ng Water Defenders sa ­tatlong sumunod na frames.

“It’s really frustrating, nakuha namin ‘yung first set, muntik manalo sa second set tapos sa third bumaba na energy and confidence namin as a team,” saad ni three-time UAAP MVP Valdez.

Dahil sa dalawang araw na pahinga,­ umaasa si Valdez na maka­kabawi sila.

Kaya paniguradong lahat gagawin ng Cool Smashers para pahabain ang hininga sa Game 2 ng best-of-three semis sa PhilSports Arena, ­Pasig City.

Tulad ng Water Defenders, puro na rin sa best-of-three finals ang defending champion Pocari Sweat Lady Warriors at susubukang tapusin ang Power Smashers sa unang laban, (4 p.m.).