Valdez, Pablo angasan sa PVL All-Star Games

Inaabang na ng volleyball fans ang tapatang Alyssa Valdez at Myla Pablo sa Premier Volleyball Leagus All-Star Game na gaganapin sa Pebrero 2 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Binubuo nina Michele Gumabao, Mel Gohing at Risa Sato mula sa Creamline; Deanna Wong, Maddie Madayag at Dani Ra­vena ng Ateneo de Manila University; BanKo player Nicole Tiamzon at Kathy Bersola; Chie Saet at Jessey De Leon mula sa PetroGazz; Grazielle Bombita ng Iriga-Navy at Isa Molde ng University of the Philippines para sa koponan ni Valdez.
Pamumunuan naman ito nina PetroGazz Head Coach Jerry Yee at si Adamson Coach Air Padda bilang kanyang assistant coach.

Samantalang makakasama naman ni Pablo sina Creamline superstar Jia Morado at Jema Galanza; Kat Tolentino, Vanessa Gandler at Bea De Leon mula sa Ateneo; Jem Ferrer at Joy Dacoron ng BanKo; Jonah Sabete at Cherry Nunag ng PetroGazz; Dimdim Pacres ng Tacloban; Dell Palomata ng Pocari Sweat-Air Force at Thang Ponce mula sa Adamson-Akari.
Hahawakan naman ni Ateneo Head Coach Oliver Almadro ang koponan kasama si Jasper Jimenez ng Pocari Sweat-Air Force bilang assistant coach.

Magkakaroon din na interaksyon ang fans kasama ang kanilang paboritong players sa autograph signing session at games para kanila.