Pangunahing sandata pa rin ng Creamline si former Queen Eagle Alyssa Valdez sa second season ng Premier Volleyball League.

Tersero nang nakaraang taon, ibabalik ng Cool Smashers si Thai import Kuttika Kaewpin upang makatuwang ni reigning conference Most Valuable Player (MVP) Valdez pag-arangkada ng Reinforced Conference sa Mayo 6.

Isinama sa Creamline ang isa pang reinforcement na si Serbian middle blocker Nikolina Asceric.

Makakasama rin ni volleyball superstar Valdez sina veteran setter Jia Morado, Alex Cabanos, Pau Soriano, Ivy Remulla, Coleen Bravo at Rizza Mandapat.

Hinugot din ng Cool Smashers sina libero Mel Gohing upang palakasin ang kanilang floor defense at opposite hitter Michele Gumabao na hinirang na Binibining Pilipinas-Globe.

Nawala sa line-up ng Creamline sina Cesca Racraquin, Jamela Suyat, Aerieal Patno­ngon, veteran Mary Jean Balse-Pabayo at Rosemarie Vargas.

Samantala, sina Risa Sato at Jema Galanza na napabalitang sasali sa Creamline ay hindi kasama sa initial lineup na pinasa.