Valeen, BINABAKLA ang mga kasama

Valeen Montenegro

SOBRANG bonded na ang hosts and co-hosts ng Sunday PINAsaya kaya para lang silang naggu-good time ‘pag magkakasama sila sa kanilang noontime comedy show.

Tsika ni Wally Bayo­la, kahit offcam ay grabe ang bonding nila.

Nagkukuwentuhan sila habang sabay-sabay na kumakain, kaya doon nabuo ‘yung closeness nila.

Paglabas nila at pagsalang sa camera, nandu’n agad ‘yung rapport.

At masasaya lahat sila. Sa sobrang saya, madalas ay hindi nila alam na overtime na sila.

‘Yung ‘Kantaserye’ segment ang paborito ni Wally dahil bukod sa magkakasama silang lahat doon ay ang lakas nitong maka-musical play.

Dagdag ni Barbie Forteza, sa sobrang close nilang lahat, may mga ad lib sila sa show na sila-sila lang ang nakakaalam.

Nagsasaluhan din sila at nagsusuporthan. Teamwork talaga.

Si Julie Anne San Jose, ang sabi ay pamil­ya na ang turingan nila.

Walang dull moment ‘pag magkakasama sila.

Dayalog ni Valeen Montenegro, kaya siguro patok ang grupo nila ay dahil gusto lang nilang BAKLAIN ang isa’t isa.

Okey lang din sa kanila na pagtawanan ang mga sarili nila.

As in tanggap nila ang bawat isa.

Nagkakasiyahan lang talaga sila, kaya lagi silang overtime.

Sa mga ba­gong dagdag sa SPS ay pinaka-happy ang komedyanteng si Atak.

Nanonood lang nito dati si Atak at nasabi niyang bagay siya sa show dahil comedy.

Ngayon ay mainstay na siya.

Pinag-isipan at pi­naghandaan ang first birthday celebration ng Sunday PINASaya na mapapanood sa September 4 & 11.