FOR some time now, ang versatility niya as an actress ang pinatutunayan ng Sunday Pinasaya host na si Valeen Montenegro.
Ikinatutuwa ng viewers ang roles na kanyang ginampanan sa kanyang shows.
Ayon kay Valeentawak (handle ni Valeen sa Instagram), gusto pa niyang i-level up ang acting skills sa pamamagitan ng pagganap sa roles na may depth o hugot.
Bukod sa hosting, she wants to take up another challenge.
“Si Piper (rool niya sa Poor Señorita) kasi, na-enjoy ko siya. Kahit ‘yung mga dati kong roles– whether in TV or movie, okay siya.
“Tapos, sa Sunday Pinasaya, pinapagawa nila sa akin ‘yung kahit na ano namang character, eh.
“However, mas gusto ko ‘yun character roles. ‘Yung talagang hindi ordinary lang.
“Gusto ko ‘yung binibigyan siya ng depth para mas masaya kasi gawin. Mas malayo sa character nu’ng artista na gumaganap,” tsika pa niya.
***

Tampok ang mascot na si PO1 Bato sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo sa GMA 7.
Si PO1 Bato ang mascot ng Philippine National Police (PNP). Isa sa mga naisip na paraan ng PNP para sa kampanya nila kontra-droga ay ang paggamit ng nasabing mascot.
Ito ang naatasang lumibot sa mga eskwelahan para magbigay leksyon sa delikadong epekto ng paggamit ng bawal na gamot. Pero alam ba ninyo na ang ibang mga tao, takot kay PO1 Bato?
MASKLOPHOBIA ang tawag sa takot sa mga mascot at sa mga nakamaskara.
***

Collector’s item ang MMK Life Songs (P350 ang halaga), ang commemorative album sa ika-25 anibersaryo ng Maalaala Mo Kaya.
Wagas ang recitation dito ni Charo Santos sa prose poem na Desiderata, sa orihinal mang English o sa Filipino translation ni Enrico Santos.
Katuwang sa Desiderata sina Lea Salonga, Martin Nievera, Gary Valenciano, Lani Misalucha, Ogie Alcasid, Sharon Cuneta at ang TBUP Choir.
Bongga ang music video nito, huh?!
Lahat ng kanta (at artist na kasama) sa album ay pinili ni Charo.
‘Yung Sana ay kinanta ni Piolo Pascual at apo ni Charo na si Julia Concio.
Ang nag-perform sa Handog ay sina Aiza Seguerra at Noel Cabangon.
Ang mag-inang Janella Salvador at Jenine Desiderio ang umawit sa Iingatan Ka.
Tampok din sa album sina Charice, Jed Madela, Darren Espanto, Jona, Juris, Kyla at KZ.
Humahaplos sa puso ang mga awit sa album na ito!