Valenzuela dapa kay Dionisio, Manila

Valenzuela dapa kay Dionisio, Manila

Double-double ang naging bala ni Aristotle Dionisio sa Manila Stars na tinumba ang Valenzuela SPV TOP Marketplace, 71-66, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 Lunes ng hapon sa Cuneta Astrodome, Pasay.

Nagpasiklab ng 14 points at 10 rebounds si Dionisio habang ambagan sina Chris Bitoon at Carlo Lastimosa ng 15 at 12 markers para sa ika-7 ragasa at sementuhan ang segunda sa 16-team Group A sa 9-1 win-loss slate.

“Siguro yung talagang laro namin na takbuhan, iyon yung nawala sa amin kaya nakadikit yung Valenzuela sa amin,” ani Dionisio sa dikdikang laro nila ng Valenzuela na pinahaba nila ang kalbaryo sa pito para mapako sa ika-12 puwesto sa grupo nila sa 4-8.

Namuno si Hans Thiele sa SPV Top Marketplace sa 13 pts. at at 10 rebs. (Aivan Denzel Episcope)