Sa pangunguna ni Arianne Vallestero, apat na innings lang ang kinailangan ng defen­ding champion Adamson University para pagulungin ang University of Santo Tomas matapos ilista ang 14-0 pananaig Lunes sa UAAP season 81 softball tournament elims sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nilista ni Vallestero ang apat na RBIs at tatlong hits habang kumana sina Krisha Cantor, Mary Joy Magual at Nichole Padasas ng tig-dalawang RBIs para sa Lady Falcons na dinagit ang four-game winning streak at manatiling malinis ang karta.

Solido rin ang laro ni Adamson University pitcher Riflayca Basa.

Pangatlong beses ng powerhouse Lady Falcons ngayong season na umiskor ng mahigit 10 runs.

Nasa pangalawang puwesto ng team stan­dings ang National University na may 3-1 card, humugot ng lakas sa extra innings para talunin ang De La Salle, 5-4.

Kahit dalawang sunod na talo, nanatili ang Lady Batters sa top three range kapit ang 3-2 record.