Humambalos si Arianne Vallestero ng two hits at three runs nang tapusin ng Adamson University ang University of Santo Tomas, 11-2, nitong Martes at muling magkampeon sa UAAP season 81 women’s softball tournament.

Ang binanda ng transferee mula sa National University sa kanyang final game sa college ang nagwalis sa karibal sa best-of-three finals tungo sa siyam na sunod na taong dominasyon ng Lady Falcons sa torneo at ika-18 korona na sa nasabing sport sa walong paaralang liga.

“Kailangan namin siya ngayong taon. Dinala niya tagala kami sa labang ito,” bulalas ni San Marcelino-based batters coach Ana Santiago. “Nagpasalamat siya sa akin dahil nakaranas na rin daw siyang magkampeon sa UAAP.”

Si Vallestero ang naputungang season MVP, Best Hitter (.556), Best Slugger (.972) at Most RBIs (16).