Vanessa Bryant suicide kalat sa socmed

Vanessa Bryant suicide kalat sa socmed

Napamura ang mga netizen sa kumalat sa social media sa umano’y pagpapakamatay ng asawa ni NBA legend Kobe Bryant dahil sa depresyon.

Anila, isang ‘stupid’ ang gumawa ng naturang fake news.

Payo nila sa mga netizen, huwag maniwala sa article dahil halatang peke umano ito dahil hindi mabuksan.

Huwag na raw itong ipakalat dahil marami nang pinagdadaanan si Vanessa matapos ang hindi inaasahang pagkamatay ng asawa niyang si Kobe at anak na si Gianna sa helicopter crash nitong Enero 26..

Dapat din anila na bigyan naman ng respeto ang yumaong tinaguriang ‘Mamba’ ng NBA.

“Buhay pa yung tao pinapatay niyo na. Ano na walang magawa sa buhay? Think about her (Vanessa Bryant) situation rn & what she’s been through tapos gagawan pa ng ganyan. Jusko i hate this society,” ani @medias_res.
@BlytheIgot7:
“Stop spreading fake news about Vanessa Bryant because she is still alive!”

!*&@ina lang no’ng gumawa ng fake news about Vanessa Bryant being dead because of depression attack and committing suicide. W*f ka. Isa kang stupid motherf*7!^r, ani @mahb1. (Issa Santiago)