Vanessa tuliro pa rin kay Kobe, Gigi

Vanessa tuliro pa rin kay Kobe, Gigi

Magkasunod na araw na nag-post sa Instagram si Vanessa Bryant, hindi pa niya matanggap na wala na ang asawang si Kobe, 41, at ‘baby girl’ nilang si Gianna, 13.

Sa video, naglalaro ng basketball ang dalagitang kung tawagin nila’y Gigi.

Namatay sina Kobe, Gianna at pitong iba pa nang mag-crash ang sinakyang helicopter sa Calabasas, California. Umaga ng Jan. 26, pa­punta sana ang mag-ama at mga kasama sa Mamba Sports Academy ni Kobe sa Thousand Oaks para sa isang basketball match na paglalaruan ni Gigi at iku-coach ni Kobe.
Nakakaantig ang mga post ni Vanessa.

“I’ve been reluctant to put my feelings into words. My brain refuses to accept that both Kobe and Gigi are gone,” aniya. “I can’t process both at the same time. It’s like I’m trying to process Kobe being gone but my body refuses to accept my Gigi will never come back to me. It feels wrong.”
Sa araw-araw na paggising, maaalala niyang hindi na babalik si Gigi.

“I’m so mad. She had so much life to live. Then I realise I need to be strong and be here for my 3 daughters,” dagdag niya. “Mad I’m not with Kobe and Gigi but thankful I’m here with Natalia, Bianka and Capri. I know what I’m feeling is normal. It’s part of the grieving process.”

Ipinagdasal rin niya ang pito pang biktima ng trahedya.

Lunes, nag-post si Vanessa ng video ng bunso nilang si Capri na kamukha nina Kobe at Gianna.

“My Koko Bean. She looks just like my Gigi with her daddy’s eyes,” caption niya sa video. (VE)