Vape binawal sa Pasay City

Bukos sa paninigarilyo, mahigpit na ring pinagbawal na ang paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar sa Pasay City.

Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, mahigpit na ipatutupad ang City Ordinance 6061 na nagbabawal ng paninigarilyo at ang maggamit ng anumang vaping device.

“Ito ay isang paraan ng ­pagprotekta natin sa mga kabataan at sa publiko sa kabuuan, laban sa masamang ­epekto ng paninigarilyo at vaping,” ayon kay Mayor Rubiano.

Alinsunod sa ordinansana, bawal na ang paggamit ng vape sa mga lugar ng nagtatrabaho, ospital, mga opisina ng pamahalaan, eskuwelahan at ­maging sa anumang recreational facility.

“Maaari lamang payagan ang ­vaping sa ilang enclosed places basta’t meron itong designated vaping area,” paliwanag ng alkalde.

Mayroong multang P2,000 o ­12-oras na community service ang ­unang ­paglabag; sa ikalawang ­beses ­naman ay P3,000 o 18-oras na ­community service habang P4,000 0 24-oras na ­community service kapag pangatlong offense na. (Vick Aquino)